|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Labing-dalawang proyekto, pasado na sa NEDA
MAIPATUTUPAD na ang pagpapagawa ng may 12 proyekto matapos makapasa sa pulong ng National Economic and Development Authority na pinamunuan ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III.
Kabilang sa mga poryekto ang Flood Risk Management Project para sa Cagayan de Oro River, ang Senator Gil J. Puyat/Makati Avenues underpass project, Metro Manila Interchange Construction Project, Phase VI, ang pag-aayos ng mga napinsalang tulay sa Bohol, Operations, Maintenance and Development Projects sa Iloilo, Bacolod, Davao at Puerto Princesa airports, ang Regional Prison Facilities sa pamamagitan ng Public-Private Partnership Project, and Fisheries, Coastal Resources and Livelihood Project at Project Convergence on Value Chain Enhancement for Growth and Empowerment.
Ayon kay Kalihim Arsenio M. Balisacan, makakatulong ang mga proyektong ito sa pagsusulong ng paggasta sa infrastructure upang mapatatag ang kaunlaran. Magkakaroon din ng higit na access sa social at economic opportunities. Mapapabilis din ang paglalakbaty at paghahatid ng mga mamamayan at mga paninda. May ilang proyekto ring makatutulong sa pagpapatatag ng mga pook at mamamayan sa anumang sama ng panahon.
Sa pagtatayo ng regional facilities na isinulong ng Department of Justice, makikinabang ang may 26,000 mga bilanggo at magpapaluwag pa sa kasalukuyang kalagayan ng mga piitan.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |