|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Simbahan, magiging aktibo sa pagtulong sa mga pamilya
MAGIGING aktibo ang Simbahan sa Pilipinas sa pagdalo sa mga suliraning kinahaharap ng mga pamilya at ng iba pang kabilang sa lipunan.
Ito ang buod ng pahayag ni Arsobispo Socrates B. Villegas, ang kinatawan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines sa katatapos na Sinodo bilang paghahanda sa mas malaking kapulungan sa susunod na taon.
Sa kanyang pahayag mula sa Roma kagabi, sinabi ng arsobispo na hindi lamang siya nakapakinig sa mga debate kungdi nagkaroon ng pagkakataong magsalita sa kalipunan hinggil sa papel ng mga pari sa family renewal.
Ipinaliwanag pa ng pangulo ng CBCP na ang mga taong nangingibig sa parehong kasarian ay mga anak din ng Diyos. Ang anumang panglalait o pagtatangi laban sa kanila ay hindi katanggap-tanggap sapagkat labag din ito sa kautusan ng Diyos.
Kailangang magkaroon ng tunay na pag-uusap upang makatugon na rin sa mga itinuturo ng Simbahan. Tutugon din ang Simbahan sa mga nahaharap sa matitinding pagsubok sa mga mag-asawa.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |