|
||||||||
|
||
Pilipinas, pang-siyam sa pinakamatinding traffic
IKA-SIYAM ang Pilipinas sa mga bansang may matinding traffic sa isang pag-aaral ng Numbeo, isang kumpanyang may punong-tanggapan sa Serbia.
Inipon nila ang datos sa kalagayan ng daloy ng trapiko sa may 88 bansa sa daigdig. Ayon sa ulat na lumabas sa media, ginawa nila ang 2015 Traffic Index na nagpapakitang ang bansa ay nagkaroon ng traffic index na 202.31.
Pang-apat ang Pilipinas sa may napakatinding traffic sa Asia at sumusunod sa Bangladesh, Jordan at Iran.
Ayon sa balitang lumabas sa media, ang ibang bansa may matinding traffic ay ang Kenya, Egypt, Bolivia, South Africa at Thailand.
Ipinaliwanag ng Numbeo, ang traffic index ang siyang "composite index" ng panahong nagugugol sa traffic dahilan sa paglalakbay papasok sa pagawaan, pagtataya ng time consumption dissatisfaction, carbon dioxide consumption estimation sa traffic at ang buong inefficienties sa traffic system.
Karaniwang gumugugol ang mga Filipino ng 45.50 minuto sa paglalakbay patungo sa kanilang mga trabaho. Gugugol na naman sila ng 45.50 minuto sa paglalakbay pauwi sa kanilang tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |