|
||||||||
|
||
Isang Party-list group, humiling kay Pangulong Aquino
HINILING ng mga mambabatas na kabilang sa Akbayan kay Pangulong Aquino na pawalang-saysay ang Department Order 2014-14 na inilabas ng Department of Transportation and Communications na sumang-ayon sa dagdag-pasahe para sa Light Rail Transit at Metro Rail Transit.
Isang liham ang isinumite ng Akbayan sa pamamagitan nina Congressmen Walden Bello at Barry Gutierrez, mga lider ng mag-aaral at iba't ibang sektor. Nilalaman ng sulat na may poder si Pangulong Aquino na suspendihin o pigilin ang pagpapatupad ng bagong taripa.
Ipinaliwanag ni Congressman Gutierrez na kayang-kaya ni Pangulong Aquino na pigilin ang dagdag na singil samantalang pinag-babalik aralan pa ang bagong iskema at epekto sa mga pasahero.
Maliban sa Saligang Batas, mayroong Administrative Code of 1987 na nagbibigay sa pangulo ng kakayahang pigilan ang mga programa ng mga kagawaran at iba pang tanggapan na sa ilalim ng ehekutibo.
Sa ilalim ng bagong singil, ang mga pasahero sa LRT Line 1 mula Baclaran sa Pasay City hanggang Monumento sa Caloocan City ay nararapat magbayad ng P 30 para sa isang pagsakay at P 29 para sa stored value tickets mula sa karaniwang singil na P 20 pamasahe.
Ang mga pasahero sa bagong LRT Line 2 mula sa Recto sa Maynila hanggang Santolan sa Pasig ay nararapat magbayad ng P 25 sa bawat pagsakay at P24 sa bawat stored value tickets mula sa dating singil na P 15. Samantala, ang mga pasahero mula sa North Avenue sa Quezon City hanggang Taft Avenue sa Pasay City ay dapat magbayad ng P 28 bawal biyahe mula sa P 15 singil noong nakalipas na panahon.
Sinabi pa ni G. Gutierrez na sa pagkakaroon ng dagdag na kitang aabot sa P 2 bilyon, isang bilyon ang matutungo sa Metro Rail Transit Corporation sa halip na gamitin ito sa rehabilitation.
Ilang petisyon na ang ipinarating sa Korte Suprema na naglalayong mabigyan ng temporary restraining order ang dagdag pasahe. Pakikinggan muna ng hukuman ang panig ng pamahalaan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |