Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pangalawang Pangulong Binay, hiniling na pulungin na ang National Security Council

(GMT+08:00) 2015-02-19 13:50:05       CRI

HINILING ni Vice President Jejomar C. Binay kay Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na pulungin ang National Security Council upang masuri ang kalagayan ng kapayapaan at kaayusan ng bansa at kilalanin ang mga nararapat gawin.

Ani G. Binay, sa dami ng mga nagaganap tulad ng mga nababalitang sagupaan sa Mindanao, nakikiusap siya kay Pangulong Aquino na pulungin na ang National Security Council sa pinakamadaling panahon.

Mababatid sa pulong kung ano ang mga kailangang gawin at makapaghahanda ang mga alagad ng batas at ang sandatahang lakas ng Pilipinas upang makatugon sa pangangailangan.

Kailangang maghanda at pagusapan ang nagaganap ngayon. Kailangan ding anyayahan ang mga taong nakababatid at may karanasang suriin ang national security.

Pinakalayunin na matiyak ang katatagan at maisulong ang kapayapaan sa Mindanao, dagdag pa ng pangalawang pangulo ng bansa.

Ang National Security Council ay binubuo ng pangulo, pangalawang pangulo, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines, National Security Council director, mga kalihim ng foreign affairs, national defense, interior and local government, justice at labor and employment.

Wala pang isang buwan matapos ang sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao, nagsagupa naman ang mga kasapi ng Moro Islamic Liberation Front at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters noong Sabado.

May 15,000 mga naninirahan sa Kabasalan, Sultan Sabarongis, Buliok, Bago Inged, Bulol at Rajamuda sa Pikit, North Cotabato, Kalbugan at Pagalungan sa Maguindanao ang lumikas sa kanilang mga tahanan upang makaiwas sa mga ligaw na bala.

Ayon kay Lt. Col. Orlando Edralin ng 7th Infantry Battalion, nag-ugat ang sagupaan sa rido o clan war na nauwi sa madugong sagupaan ng MILF at BIFF.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>