|
||||||||
|
||
Mga kinatawan ng iba't ibang relihiyon, magdarasal
ISANG "interfaith prayer" ang gaganapin sa susunod na Miyerkoles, anibersaryo ng EdSA People Power Revolution, isang buwan matapos ang madugong sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Ayon sa mga balitang lumabas, iba't ibang grupo at mga mamamayan ang lumagda sa isang pahayag na nagsasabing hindi kailanman matatamo ang katarungan kung nababalot ng mga kasinungalinan. Napapasapanganib ang kapayapaan kung walang katotohanan at pananagutan. Kailangang lumabas ang katotohanan at pananagutan mula sa pangulo ng bansa upang matamo ang katarungan at kapayapaan.
Lumagda sa pahayag sina Sr. Mary John Mananzan, Integrated Bar of the Philippines president Jose Joyas, United Church of Christ of the Philippines Bishop Arturo Asi, ang whistleblower na si Jun Lozada, at mga aktibistang sina Judy Taguiwalo, Bibeth Orteza, Monique Wilson, at ang organizer ng Million People March na si Peachy Bretana.
Bubuo sila ng isang "human chain" mula Campo Crame hanggang EdSA Shrine mula ikatlo ng hapon haggang ika-anim ng gabi.
Nais din ng grupong mabatid kung ano ang papel ng mga Americano sa Mamasapano police operation.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |