|
||||||||
|
||
Merchandise imports, bumagsak ng 14.2%
IBINALITA ng National Economic and Development Authority na bumagsak ang merchandise imports ng may 14.2% noong Enero sa pagliit ng mga ibinayad na buwis para sa mineral fuels at lubricants, capital at consumer goods.
Ang pagbaba ng presyo ng petrolyo ang siyang nagpababa sa imports bill noong Enero. Ayon kay Secretary Arsenio M. Balisacan, sa medium term, ang kabayaran para sa mga inangkat na crude oil ay mas mababa kaya't naapektuhan ang buong halaga ng Philippine merchandise imports sa taong kasalukuyan.
Ayon sa ulat ng Philippine Statistics Authority, ang total import payments ay bumagsak at natamo ang US$5.1 bilyon noong Enero 2015 mula sa US$ 6.0 bilyon noong 2014. Ito ay taliwas sa 0.4% year-on-year growth noong Disyembre ng 2014 at 24.7% na expansion noong Enero 2014.
Ang 4.3% increase sa pagbili ng raw materials at iba pang kagamitan na halos kalahati ng total imports ng Pilipinas (48.4%) ng buong imports ng Pilipinas ang hindi nakahila sa reduced payments para sa mineral fuels at lubricants, capital goods at consumer goods noong Enero ng 2015.
Ipinaliwanag pa ni Kalihim Balisacan na sa pagkakaroon ng maraming petrolyo sa Pilipinas at banayad na kaunlaran ng ekonomiya sa daigdig kasabay ng limitadong pangangailangan para sa petrolyo at iba pa, mangangailangan ng ilang panahon upang makabawi sa higit sa US$100 bawat bariles tulad noong 2011 hanggang 2013.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |