Tsina, pinagmumulan ng mga inangkat na paninda
SA bansang Tsina nagmumula ang 15.4% ng lahat ng inaangkat ng Pilipinas. Kasunod ng Tsina ang Singapore na pinagmulan ng 9.1%, Estados Unidos naman ang pinagmulan ng 9.0%, Alemanya naman ang pinagkunan ng 8.2% na inangkat.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, nagmula sa Japan ang 7.7% ng mga inangkat ng Pilipinas. Nagmula sa Taiwan ang 7.2%, South Korea naman ang pinagmulan ng 6.5% ng imported products sa Pilipinas. Thailand ang pinagkunan ng 5.1% ng kabuuhang inangkat ng mga Filipino. Bumili rin ang Pilipinas sa Saudi Arabia ng 4.7% at nasa Malaysia naman nagmula ang 4.2% ng mga binili ng pamahalaan at pribadong sektor.
1 2 3 4 5 6