Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Makitid ang pananaw ng pamahalaan

(GMT+08:00) 2015-03-30 17:52:42       CRI

NANINIWALA si Fr. Eliseo Mercado, OMI na makitid ang pananaw ng pamahalaan sa peace process. Mas malaki ito kaysa Bangsamoro Basic Law na sa ngayon ay isang panukalang batas na nagmula sa peace process.

Sa isang panayam, sinabi ni Fr. Mercado na ang mga nakalipas na mga kasunduan maging sa Moro National Liberation Front ay tugma sa nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas at hindi kaillanman makakabawas sa nasasakupang lupain at karagatan ng bansa. Ito rin ang pananaw ng mga senador at kongresista na siyang nagsusuri ng Bangsamoro Basic Law.

MAKITID ANG PANANAW NG PAMAHALAAN.  Ito ang sinabi ni Fr. Eliseo Mercado, OMI sa pagtingin ng pamahalaan ng Pilipinas sa peace process.  Ipinaliwanag ni Fr. Mercado na ang Bangsamoro Basic Law ay produkto ng peace process at kailangang tumugma sa itinatadhana ng Saligang Batas at ng nasasakop na lupain at karagatan ng bansa.  (Melo M. Acuna)

Wala umanong pinag-uugatan ang peace process ng pamahalaan, walang kasaysayan na nagsimula noong 2010 at hindi binalikan ang mga nakalipas na kasunduan at nakatuon lamang sa taong 2016.

Sana ay nakita ng lupon ang kasunduan noong 1976 sa Tripoli at noong 1996 agreement na nilagdaan ni Governor Nur Misuari upang hindi mapasubo ang pamahalaan. Nanatili umanong tahimik sina Peace Adviser Teresita Quintos-Deles at Government Chief Negotiator Miriam Coronel-Ferrer sa isyu ng Saligang Batas at territoriality mula ng makipag-usap sa mga pinuno ng Moro Islamic Liberation Front.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>