|
||||||||
|
||
Mahal na Araw, sinimulan na
LINGGO NG PALASPAS, IPINAGDIWANG. Ito ang simula ng paggunita sa Mahal na Araw, ang Semana Santa, sa pagbabasbas ng palaspas at olibo sa paggunita sa pagpasok sa Jerusalem ni Jesu Cristo, higit sa 2,000 taon na ang nakalilipas. Makikita si Fr. Igmidio "Migs" Paredes, chaplain ng Veterans Memorial Chapel, na nagbabasbas ng palaspas kahapon sa simbahan. (Melo M. Acuna)
MILYUN-MILYONG mga Filipino ang gugunita sa Mahal na Araw o Semana Santa na nagsimula kahapon sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas. Milyong mga Filipino ang nagtungo sa mga simbahan upang magpabasbas ng palaspas agt makiisa sa liturhiya.
Simula ito ng isang linggong pagdalaw sa mga simbahan at mga kinikilalang pilgrimage sites. Sa mga lungsod at bayan ay mayroon ding mga pabasa at paggunita sa Huling Hapunan pagsapit ng Huwebes Santo. Nanananawagan din ang Simbahan sa tatlong mahahalagang nararapat gawin sa loob ng linggong ito, ang pag-aayuno, pagkukumpisal at pag-aabuloy o paglilimos sa mga nangangailangan.
Nanawagan ang Simbahan sa mga mangingibang-pook na magkaroon din ng pagkakataong magsimba at dumalaw sa Santisimo Sacramento pagsapit ng Huwebes Santong gabi.
Pagsapit ng Sabadong gabi, isasagawa ang Easter Vigil sa ganap na ika-sampu at sa ibang simbahan ay magkakaroon ng tradisyunal na Salubong sa madaling-araw.
Sa mga nagtatrabaho, pagkakataon din itong magkasama-sama ng pamilya at may mga nagbabakasyon sa mga tabing-dagat. Daang libo rin ang inaasahang magtutungo sa Baguio City upang magpalamig.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |