|
||||||||
|
||
20150401Melo
|
NAGBABALA ang pamahalaan at international organizations sa isang malakas na bagyong inaasahang makakaapekto sa Pilipinas. Kaninang ika-sampu ng umaga, nakita ang bagyong "Maysak" o "Chedeng" sa layong 1,280 kilometro sa silangan ng Guiuan, Eastern Samar na may lakas na 215 kilometro bawat oras at may pagbugsong 250 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyon ng kanluran-hilagang-kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras at papasok na sa Philippine Area of Responsibility ngayong gabi o sa madaling araw bukas.
Tatama ang bagyo sa Central Luzon sa darating na Sabado o Linggo.
May lawak ang bagyong 700 kilometro at nakakaipon ng 100 hanggang 300 milimetrong ulan na kinikilalang malakas hanggang napakalakas bagama't inaasahang hihina mula sa Category 4 patungong Category 3 sa pagtama sa lupa.
Samantala, itinaas ng Armed Forces of the Philippines sa pamamagitan ni General Gregorio A. Catapang, Jr. ang kanilang organisasyon sa "red alert" mula kaninang ala-una ng hapon dahil sa malakas na bagyong darating.
Apektado ng "red alert" ang Northern Luzon Command, Southern Luzon Command at ang Joint Task Force National Capital Region, na inaasahang daraanan ng bagyong si "Chedeng."
Nagmula ang balita sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |