Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Bababala, itinaas sa isang malakas na bagyo

(GMT+08:00) 2015-04-01 17:40:57       CRI

Paghahanda sa paglalakbay ng mga Pilipino, ipinatutupad na

LAMAN ng mga lansangan ang mga tauhan ng Philippine National Police, Department of Public Works and Highways at mga Department of Transportation and Communications at mga non-government organizations upang magsilbing gabay at tagapagbantay sa mga lansangan.

MGA TAUHAN NG PAMAHALAAN, IKINALAT SA MGA LANSANGAN AT DAUNGAN.  Ito ang makikita sa daungan ng Atimonan na kinatatalagahan ng mga pulis, bumbero at Philippine Coast Guard na tumutulong sa maglalakbay ngayong Mahal na Araw.  Ito rin ang larawan sa mga paliparan at bus terminals sa buong bansa.  (Melo M. Acuna)

Sa mga daungan, tulad ng Atimonan, sa lalawigan ng Quezon ay magkakasama naman ang mga pulis, tauhan ng Bureau of Fire Protection at Philippine Coast Guard upang matiyak ang kaligtasan ng mga maglalayag patungo sa iba't ibang bayan sa Alabat Island.

Ito rin ang larawan sa daungan ng Batangas na siyang "gateway" patungo sa Mindoro, Boracay at maging ilang bahagi pa ng Kabisayaan. Magkakasama rin ang mga agensya ng pamahalaan sa daungan ng Matnog sa Sorsogon upang matiyak ang kaligtasan ng mga maglalakbay patungo sa Silangang Kabisayaan at Mindanao.

Bukod sa manaka-nakang pagbagal ng trapiko sa National Highway sa Sariaya, Quezon, banayad naman ang paglalakbay patungo sa Bicol Region.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>