![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
150416melo.m4a
|
Salaping padala ng mga Filipino sa ibang bansa umabot sa US$4.1 bilyon
TUMAAS ang personal remittances ng mga Filipino mula sa ibang bansa sa unang dalawang buwan ng 2015. Umabot sa US$2.1 bilyon sa pagtatapos ng Pebrero at kinakitaan ng dagdag na 4.0% kung ihahambing sa salaping ipinadala sa bansa noong 2014.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sa unang dalawang buwan ay natamo ang US$4.1 bilyon na kinakitaan ng 2.1% increase sa paghahambing nito noong 2014.
Ayon kay Officer-in-Charge Nestor A. Espenilla, Jr., ang salaping ipinadala ng land-based workers na may mga kontratang higit sa isang taon at mga migrants' transfers ay umabot sa US$ 3.1 bilyon.
Ang salaping ipinadala ng sea-based at land-based workers na kulang sa isang taon ang mga kontrata ay umabot sa US$ 1.0 bilyon.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 1.9 bilyon noong Pebrero at mas mataas na 4.2% kaysa natamo noong 2014. Ang cash remittances sa unang dalawang buwan ng 2015 ay umabot sa US$ 3.7 bilyon.
Ang karamihan ng salaping ipinadala sa Pilipinas ay mula sa Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Singapore, Japan, Hong Kong at Canada.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |