|
|
|||||||
| |
||||||||
|
||
Secretary-General ng Organization of Islamic Cooperation, dadalaw sa Maynila
DADALAW sa Maynila si Iyad Ameen Madani, ang secretary-general ng samahan ng 57 bansa upang makipag-usap sa mga pinuno ng bansa sa isyo ng peace process sa Moro Islamic Liberation Front dahilan sa naganap na sagupaan sa Mamasapano, Maguindanao.
Si G. Madani ang unang editor-in-chief ng Saudi Gazette hanggang 1999 ang darating sa Pilipinas matapos ang kanyang tatlong araw na pagdalaw sa Kuala Lumpur na nagsimula kahapon.
Samantalang nasa Malaysia, makakausap niya ang mga namumuno sa bansa kabilang na si Prime Minister Najib Razak at hihiling ng payo ng bansa sa kalagayan ng kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao na pinangasiwaan ng Malaysia.
Ayon sa Malaysian news agency na Bernama, pag-uusapan nila ang 'di pa nalulutas na isyu matapos ang pagkakapaslang ng 44 na tauhan ng pulisya sa sagupaang naganap noong Enero.
Ang Malaysia ang nagsisilbing facilitator sa peace process sa pagitan ng Maynila at MILF mula pa noong 2001.
Ayon sa balitang lumabas, hindi magiging madali ang peace process sapagkat marami pang mga isyung nararapat malutas.
| © China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |