|
||||||||
|
||
PORMAL na sinimulan kaninang umaga ang Balikatan 2015, ang sampung araw na sabayang pagsasanay ng mga kawal na Americano at Filipino. Isang seremonya ang idinaos sa Campo Aguinaldo kaninang umaga at dinaluhan nina Defense Secretary Voltaire Gazmin, US Ambassador to Manila Philip Goldberg, AFP Chief of Staff General Gregorio Pio Catapang, Jr., Navy Vice Admiral Alexander Lopez, US Marines General Christopher Mahoney at Foreign Affairs Undersecretary Evan Garcia.
Ayon sa mga nagsalita kaninang umaga, tulad nina Foreign Affairs Undersecretary Evan Garcia at General Catapang, pinahahalagahan nila ang maritime defense.
Sa kani-kanilang press briefing, wala namang binaggit na ikinababahalang panganib.
Sinabi ni General Rodolfo Santiago na taun-taon namang ginagawa ang Balitakatan at tanging ang maritime domain at maritime security ang binibigyang-pansin. Nararapat lamang maghanda ang alinmang bansa sa anumang external threat. Sandigan umano ng pagsasanay ang Mutual Defense Treaty nilagdaan noong 1951.
May 11,000 mga kawal na kalahok mula sa Pilipinas at Estados Unidos sa ika-31 yugto ng pagsasanay.
May 70 mga tauhan ng Australian Defense Force ang lalahok samantalang magmamasid ang mga kinatawan ng Brunei, Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Singapore, Thailand at Vietnam sa pagsasanay. Magmamasid rin ang mga taga-Timor Leste, India, Japan at South Korea.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |