Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Balikatan 2015, sinimulan na

(GMT+08:00) 2015-04-20 18:34:36       CRI

Organization of Islamic Cooperation, tutulong sa peace process

SECRETARY GENERAL NG OIC AT SENATE PRESIDENT, HUMARAP SA MEDIA.  Sinabi ni Organization of Islamic Cooperation Iyad Ameen Madani (kaliwa) na dumalaw siya sa Pilipinas upang isulong ang kapayapaan at makipag-usap sa mga opisyal ng pamahalaan at mga na sa liderato ng MILF at Moro National Liberation Front.  Kasama niyang humarap sa mga mamamahayag si Senate President Franklin M. Drilon.  Lumipad si G. Madani patungong Davao noong Sabado at kinausap ang mga MILF at MNLF ng hiwalay upang isulong ang BBL.  (SENATE PRIB Photo)

SINABI ni OIC Secretary General Iyad Ameen Madani na dumalaw siya sa Pilipinas upang ipadama ang kanilang suporta mula sa kanilang samahan sa Philippine peace process at sa Bangsamoro Basic Law.

Sa isang press conference sa tanggapan ni Senate President Franklin M. Drilon, sinabi ni G. Madani na umaasa silang maipapasa ang panukalang batas at magiging katanggap-tanggap sa mga mamamayan upang magwakas na ang kaguluhan sa Mindanao.

Nakausap na umano nila ang mga kinatawan ng Moro Islamic Liebration Front at ng Moro National Liberation Front ng hiwalay at pinag-isa at nais ng madla ang katotohanan at nais ding maghari ang kapayapaan kaya't nais nilang magtagumpay ang kontrobersyal na Bangsamoro Basic Law.

Napakinggan na rin umano niya ang paninindigan ni Senate President Drilon at Senador Ferdinand Marcos, Jr., Speaker Feliciano Belmonte, Jr. at maging si Congressman Rufus Rodriguez.

Ipinaliwanag pa ni G. Madani na sila sa Organization of Islamic Cooperation ay magsisilbing tulay sa pag-itan ng iba't ibang grupo tulad ng kanilang pakikipag-usap sa Moro National Liberation Front. Nakausap na rin nila ang MILF at madadala ang magkakabilang-panig sa pag-uusap.

Niliwanag ni G. Madani na kung hindi maipapasa ang panukalang batas, masisiphayo ang karamihan at maaaring pagmulan ng tensyon at mauuwi sa kaguluhan.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>