|
||||||||
|
||
150505melo.mp3
|
Sama ng panahon, binabantayan
BAGAMA'T wala pang itinataas na public storm signal sa alinmang bahagi ng Pilipinas, ang bagyong "Dodong" ay patuloy na lumakas samantalang kumikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran kaninang ika-11 ng umaga,
Kaninang ika-sampu ng umaga, nakita ang sama ng panahong si "Dodong" sa layong 925 kilometers sa hilagang silangan ng Surigao City o sa coordinates na 10.8 degrees North at 133.9 degrees East.
May tagla na lakas ng hanging aabot 140 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugso na 170 kilometro bawat oras. Inaasahan itong kikilos sa direksyong kanluran-hilagang kanluran sa bilis na 17 kilometro bawat oras.
Bukas ng umaga, tinataya itong 575 kilometro sa silangan ng Borongan, Eastern Samar at sa Sabado ng umaga, may layo itong 220 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.
Sa Linggo, inaasahang nasa Isabela-Cagayan area na si "Dodong" samantalang sa Lunes ng umaga ay na sa Basco, Batanes na ang sama ng panahon. Ayon sa PAGASA, sa Martes ng umaga, may 495 kilometro na si "Dodong" sa hilaga, hilagang silangan ng Basco, Batanes.
May lawak na 300 kilometro ang bagyo. Madarama ang epekto ng bagyo sa silangang Kabisayaan at sa Bicol Region sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.
Sa Baler, Aurora, sinabi ni Fr. Nilvon Villanueva na tuloy ang kanilang pagsasanay sa mga mamamayan sa disaster risk reduction management at mga pagbabagong dala ng climate change.
Kasama ang mga barangay captain sa pagsasanay, sabi pa ni Fr. Villanueva ng San Luis Obispo Parish sa Baler, Aurora.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |