|
||||||||
|
||
Pangulong Aquino, dumating na sa Chicago
DUMATING na si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III sa Chicago, Illinois kaninang umaga upang simulan ang kanyang pagdalaw sa hilagang America.
Sinabi ng Malacanang na dumating si G. Aquino at mga kasama sa O'Hare International Airport mga 1:14 ng hapon, oras sa Chicago at sinalubing ni Philippine Ambassador to the United States Jose Cuisia, Jr. at mga opisyal sa pangunguna ni Consul General Generoso Calonge. Tumuloy si Pangulong Aquino sa J. W. Marriott Hotel na kanyang pansamantalang titirhan sa kanyang working visit.
Sa unang araw, nakausap niya si Chicago Mayor Rahm Emanuel sa isang courtesy call at tinanggap ang isang resolusyon na opisyal na tumatanggap sa kanya sa Chicago. Mayroon umanong humigit kumulang sa 130,000 ang mga may dugong Filipino sa lungsod.
Dadalo siya sa isang business meeting kasama ang mga kasapi ng US Chamber of Commerce, US-Association of Southeast Asian Nations Business Council at National Center for the Asia-Pacific Economic Cooperation.
Makakausap din ni Pangulong Aquino ang Filipino community sa Chicago. Mayroong 139,090 mga Filipino sa Illinois at may 90,000 ang nasa Metropolitan Chicago. Pagkatapos ng kanyang pagdalaw sa Chicago, dadalaw din si Pangulong Aquino sa Canada sa susunod na apat na araw.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |