|
||||||||
|
||
Mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Jeddah, dumalaw sa Najran
ISANG pinagsanib na koponan ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh at Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah ang dumalaw at nakipag-usap sa mga opisyal ng Najran Armed Forces Hospital kamakailan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga Filipinong naglilingkod sa pagamutan. Ang pagamutan ang isa sa pinakamalaking employer ng mga Filipino sa lungsod.
Pinamunuan ni Minister and Consul General Marshall Louis Alferez ng embahada ng Pilipinas ang koponan na nakausap ni Assistant Human Resource Director Saan al Zaharani at isa pang opisyal.
Tiniyak ni G. Al Zahrani na maayos ang kalagayan ng mga Filipino sa kanilang pook kahit pa may ilang kaguluhang nagaganap. Baka magkaroon ng relocation sites kung kakailanganin.
Mayroon ding mga programa para sa mga manggagawa kung mananatili sila sa Najran o nanaisin na nilang umuwi sa Pilipinas.
Maliban sa Najran Armed Forces Hospital, may pakikipagbalitaan pa rin ang mga opisyal ng embahada at konsulada sa mga pinaglilingkuran ng mga Filipino. Ligtas at mayroong contingency plans para sa kanila.
Ayon sa Department of Foreign Affairs, makakatawag ang mga Filipino sa telephone numbers 0053 424 0362 sa Konsulado ng Pilipinas sa Jeddah.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |