|
||||||||
|
||
Small at Medium Enterprises nanganganib sa mga trahedya
KAILANGANG maging matatag ang small at medium enterprises sa mga trahedya upang magkaroon ng kaunlaran sa APEC region.
Ayon sa pahayag ng Pilipinas na punong-abala sa APEC 2015 Leaders' Summit, ang small and medium enterprises ang siyang pinagkukunan ng trabaho sa APEC region. May 97% ng mga kalakal sa APEC ay small and medium enterprieses at nagbibigay ng hanapbuhay sa higit sa kalahati ng mga manggagawa sa Asia-Pacific region.
Nagkataong ang mga bansang kabilang sa APEC ay nahaharap sa mga trahedya. Ang mga bansang ito ang katatagpuan ng 52% ng buong kalupaan sa daigdig at 59% ng mga mamamayan sa buong mundo na siyang nakararanas na 70% ng mga trahedyang dulot ng kalikasan.
Ayon kay Marife Ballesteros, senior research fellow sa Philippine Institute for Development Students, sa mga trahedya, tiyak na magkakaproblema ang capital, supply chains, product markets, manggagawa at ang pagpapatuloy at pagyabong ng kalakal sampu na rin ng pagbawi nito.
Sa kanyang ginawang pagtatanghal sa 2015 APEC Study Centers Consortium Conference, sinabi ni Dr. Ballesteros na ang SMEs ay higit na nanganganib kaysa malalaking kalakal sapagkat limitado ang kanilang paraan upang makabawi kaagad. Walang seguro o insurance, limitado ang access sa pautang, karamihan ay walang business continuity at emergency management at disaster preparedness plans.
Sa Pilipinas, mayroong 98% ng mga kalakal ay micro hanggang small. Mayroong Disaster Risk Reduction Management bagama;t hindi pa nakararating sa local at business plans.
Ang mga ito ay nasa search, rescue, evacuation at relief operations. Ang pagkakaroon ng restoration ng economic activities ay na sa medium hanggang long-term rehabilitation efforts lamang. Walang sapat na pondo para sa farm-based at urban-based small industries tulad ng pagkakaroon ng pautang at grants para sa mangangailangan ng tulong.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |