Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga maralitang tagalunsod, madaragdagan pa

(GMT+08:00) 2015-05-27 18:09:48       CRI

Kumilos naman kayo! Panawagan ng mga mangangalakal

NANAWAGAN ang iba't ibang grupo ng mga mangangalakal at Joint Foreign Chambers sa pamahalaan na kumilos naman upang magkaroon ng mga pagbabago at matiyak ang malawakang kaunlaran sa pamamagitan ng paglalaan ng mga hanapbuhay sa pagpasok ng pamahalaan sa huling isang taon ng liderato.

Napapaloob ang mga repormang hinihiling sa isang liham na ipinadala kay Pangulong Aquino at siyang kinalabasan ng isang buwang konsultasyon sa mga kasaping samahan.

Kailangang makita ang pagpapatibay ng integridad at mabuting pamamalakad sa pamahalaan, pagpapabilis ng mga ipinagagawang infrastructure projects, pagtiyak ng mas maraming trabaho, pagpapadaloy ng kalakal, pagdaragdag ng foreign investments at pagpapasigla sa kompetisyon.

Magaganap lamang ang mga ito sa madaliang paghirang ng mga kwalipikado, kapani-paniwala at may karanasang public servants sa Civil Service Commission, Department of Energy at maging sa Philippine National Police.

Kailangan ding magkaroon ng isang public-private Energy Council na binubuo ng kapanipaniwalang dalubhasa sa enerhiya na bubuo at mag-aayos ng detalkyadong energy security at price competitiveness roadmap.

Nais din ng mga mangangalakal na magkaroon ng National Privacy Commission at ang paglalabas ng implementing rules and regulations para sa Data Privacy Act at Cybercrime Prevention Act.

Hiniling din ng mga mangangalakal ang pagbuo ng agricultural trading centers na magbibigay sa mga mangingisda at magsasaka ng pinakahuling teknolohiya at paglalaan ng salapi at marketing support.

Kailangan ding mabawasan ang mga hakbang sa pagtatayo ng mga kalakal sa buong bansa upang higit na dumami ang mga mangangalakal.

Kabilang sa mga lumagda ang Management Association of the Philippines, Makati Business Club, Semiconductor and Electronics Industries of the Philippines, Employers Confederation of the Philippines, IT and Business Process Association of the Philippines, Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Alyansa Agrikultura, PhilExport, Chamber of Mines of the Philippines, Philippine Chamber of Commerce and Industry, FINEX, American Chamber of Commerce, Australia-New Zealand Chamber of Commerce, Canadian Chamber of Commerce, European Chamber of Commerce, Japanese Chamber of Commerce and Industry, Korean Chamber of Commerce at ang Philippines Association of Multinational Companies Regional Headquarters.

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>