|
||||||||
|
||
Filipina sa death row, self-defense lamang ang ginawa
NANINIWALA si Vice President Jejomar C. Binay na ang pinakahuling nahatulan ng parusang kamatayan ay nagtanggol lamang ng kanyang sarili.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni G. Binay na bilang isang abogado at sa unang pagkakasuri sa balitang luimabas mula sa Embahada ng Pilipinas, lumalabas na angkop lamang ang ginawa ni Jennifer Dalquez, 28 taong-gulang na hinatulan noong nakalipas na Miyerkoles, ika-20 ng Mayo ng parusang kamatayan ng Al Ain Court of First Instance sa Abu Dhabi sa pagkakapaslang sa kanyang amo.
Ayon sa mga kamag-anak ni Dalquez, ipinagtanggol lamang niya ang kanyang sarili matapos pagtangkaang halayin ng kanyang amo. Mayroon pa umanong remedyong legal na magagawa at umaasa siyang mababaliktad ang hatol.
May apela pa at mahaba pa ang proseso. Handa ang pamahalaang tumulong sa pag-aapela. Ipinaliwanag pa ni G. Binay na yung kaso ni Mary Jane Veloso ay tinustusan ng pamahalaan ng US$ 30 libo para sa mga abogadong mula sa Indonesia.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |