Katarungan, hangad ng mga naulila ng "Princess of the Stars"
UMAASANG makakamtan ng mga naulila at nabalo ang katarungan sa madaling panahon kasabay ng paggunita sa ika-pitong taong anibersaryo ng paglubog ng barkong MV Princess of the Stars sa Romblon.
Ayon kay Levy Samuel, ikinagagalak nilang "submitted for decision" ang usaping nakasampa sa Manila RTC Branch 49 matapos hindi makapagdala ng kanilang mga saksi ang kumpanyang ipinagsakdal, ang Sulpicio Lines na ngayo'y kilala na sa pangalang Philippine Span Asia Carrier Corporation.
Idinagdag pa ni G. Samuel na mabilis ang naganap na pagdinig sa Manila RTC kung ihahambing sa Cebu Regional Trial Court Branch 16 sa ilalim ni Judge Sylvia Paderranga. Naantala ang pagdinig sa Cebu at gagawin na lamang sa darating na Agosto.
1 2 3 4 5