Sigalot sa sagingan, suportado ng ibang manggagawa
SUPORTADO ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura ang lumalawak ng protesta ng mga manggagawa sa industriya ng saging laban sa illegal lockout at pagtatangkang pagbuwag ng kanilang unyon sa Sumifru, isang kumpanyang Hapones.
Nanawagan din ang UMA sa mga manggagawa sa loob at labas ng bansa na tulungan ang mga ginigipit na manggagawa. Ang Sumifro ay isang affiliate ng Sumitomo Corporation ang illegal na 'di na nagpapasok sa may 177 mga manggagwa ng Packing Plant 90 sa Compostela Valley noong Lunes, ika-walo ng Hunyo. Paghihiganti umano ito sa pagwawagi ng mga manggagawa na ipasuspinde ang piece-rate scheme na ipinatupad noong ika-23 ng Marso na nalutas din sa pamamagitan ng compromise agreement. Ang piece rate ang nauwi sa kabawasan ng halos kalahati ng mga kinikita ng mga manggagawa.
Nagwelga ang mga manggagawa noong ika-sampu ng Hunyo at suportado na ng alyansa ng Banana Industry Growers and Workers Against SUMIFRU.
1 2 3 4 5