|
||||||||
|
||
Habagat, nagpaulan sa Metro Manila
PATULOY na pag-ulan ang idinulot ng bagyong "Egay" na may international name na Linfa, sa pagsidhi ng panahong habagat sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan kahit walang anumang storm signal mula sa PAGASA.
Ayon kay Elvie Enriquez ng PAGASA, ang manaka-nakang pag-ulan ay magpapatuloy sa Metro Manila at mga kalapit lalawigan hanggang sa makalabas si "Egay" sa nasasakupan ng bansa.
Unang binanggit ng PAGASA na humina na si Egay sa pagkilos nito patungong hilagang bahagi ng Pilipinas kaninang katanghalian.
Nakataas ang Signal No. 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sir at maging sa Abra samantalang nakataas ang Signal No. 1 sa Batanes, Calayan at Babuyan Group of Islands, hilagang-kanluran ng Cagayan, Apayao, Kalinga, Mt. Province, La Union at Benguet.
Magpapatuloy ang mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Isa pang bagyo ang nakita sa labas ng Philippine Area of Responsibility at mayroong pangalang Chan-Hom na tinatayang dadaan sa hangganan ng Pilipinas at PAR bukas o sa Miyerkoles. Hindi naman ito tatama sa lupa.
Kaninang katanghalian, nakita si "Egay" may 155 kilometro sa hilagang kanluran ng Laoag City. May lakas pa ring 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 90 kilometro bawat oras.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |