|
||||||||
|
||
20150715 Melo Acuna
|
PATULOY na tumaas ang personal remittances ng mga Filipino mula sa ibang bansa ng may 5.5% kung ihahambing sa kanilang naipadala sa Pilipinas noong Mayo 2014.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, umabot sa halagang US$2.3 bilyon ang kanilang ipinadala pauwi sa bansa noong Mayo ng taong ito.
Sinabi ni Governor Amando M. Tetangco, Jr. na mas mataas ito sa 4.9% growth na naitala noong nakalipas na Abril. Sa kabuuhan, ang naipadalang salapi ng overseas Filipinos at umabot nasa US$ 11 bilyon mula Enero hanggang Mayo ng 2015 at mas mataas ito ng 5.2% sa parehong panahon noong 2014. Ang paglago ng personal remittances sa unang limang buwan ng 2015 ay dahilan sa mas matatag na remittance inflows mula sa mga may kontratang isang taon na 5.9% at mga magdaragat at land-based workers na mas maiksi sa isang taon ang mga kontrata ng may 4.1%.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay lumago din ng may 5.8% at nakamtan ang halagang US$2.1 bilyon. Ang cash remittances na idinaan sa mga bangko ay nagtamo ng 5.4% increase sa unang limang buwan ng 2015 at nagkaroon ng US$ 9.9 bilyon.
Nangunguna pa ring pook na pinanggagalingan ng remittances ang Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingsom, Singapore, Japan, Hong Kong at Canada.
Umabot ang total job orders sa POEA sa bilang na 386,163 at 35.4 % ang para sa service, production, technical at related work sa Saudia Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan, at United Arab Emirates.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |