|
||||||||
|
||
Pope Francis, hindi na makakadalaw sa Cebu
HINDI makababalik sa Pilipinas si Pope Francis sa Enero para sa 51st International Eucharistic Congress.
Ayon kay Arsobispo Socrates B. Villegas, magpapadala ang Vatican ng kinatawan para sa pagtitipon.
Tiyak na hindi namakababalik sa Pilipinas si Pope Francis para sa International Eucharistic Congress kahit pa wala pang pormal na pahayag ang kanyang tanggapan sa Roma.
Nagsagawa ng mga pagbabago ang Cebu para sa nakatakdang pagdating ni Pope Francis subalit minabuti ng Santo Papa na dumalaw na noong Enero at tumuloy sa Tacloban City upang makasama ang mga biktima ng bagyong "Yolanda."
Nakatakda pa ring dumalaw sa iba't ibang bansa si Pope Francis kaya't hindi magtutungo sa Cebu City para sa pandaigdigang pagtitipon.
Unang naging punong-abala ang Pilipinas noong 33rd International Eucharistic Congress noong 1937 na kinabilangan ni Ricardo Vidal bilang isang first communicant. Si Ricardo Vidal ay naging pari hanggang sa nahirang na Cardinal noong dekada otsenta at ngayo'y isang retiradong Arsobispo ng Cebu.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |