Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Hindi handa ang pamahalaan para sa malakas na bagyong "Yolanda"

(GMT+08:00) 2015-07-23 16:13:16       CRI

HINDI napaghandaan ng pamahalaan ang malakas na bagyong "Yolanda" at umaasa pa rin ang madla na magkakaroon ng mas malalakas na bagyo sa susunod na panahon.

Ito ang kinahinatnan ng pagsusuring ginawa ng Social Watch Philippines sa paghahanap ng pondong kailangan sa pagpapatupad ng mga programa at mga proyekto sa mga apektadong pook ni "Yolanda" sa ilalim ng malawakang Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan (CRRP).

HINDI HANDA ANG PILIPINAS SA MGA TRAHEDYA.  Ito ang sinabi ni dating National Treasurer Leonor Magtolis Briones (pangalawa mula sa kaliwa) ng Social Watch Philippines.  Kakaunting halaga pa lamang ang nailalabas para sa mga biktima kaya't marami at wala pang ligtas na natitirhan. 

Ilang araw bago sumapit ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Aquino, inilabas ng budget watch group sa mga mamamahayag ang kanilang ulat sa kinahinatnan ng pondo para sa pagtatayong-muli ng mga napinsala. Napuna ang mabagal na paglalabas ng pondo mula sa Department of Budget and Management hanggang sa makarating ito sa mga ahensyang magpapatupad ng mga proyekto hanggang sa mga pamahalaang lokal.

Sa pagsapit ng Hunyo, 2015 sinabi ng Department of Budget and Management na nakapaglabas na sila ng P84 bilyon o 49% ng P 170.916 bilyon na nakalaan para sa Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan. Nagkataong napuna ng gruppo na ang halaga ay hindi para lamang sa mga tinamaan ni "Yolanda" sapagkat kabilang pa ang mga pook na napinsala ng lindol na nagmula sa Bohol at mga bagyong "Sendong" at "Pablo".

Ang resettlement cluster ng CRRP ang may pinakamalaking pangangailangan na nagkakahalaga ng P 75.679 bilyon para sa recovery at rehabilitation. Ang National Housing Authority ang nagpapatupad ng resettlement at build-back-better compliant housing para sa mga nasalanta ni "Yolanda."

Ani Prof. Leonor Magtolis Briones, ang namumuno sa Social Watch Philippines, wala pang ikatlong bahagi o (28.3%) o nagkakahalaga ng P 21.438 bilyon mula sa P 75.679 bilyon na salapi ng CRRP funding requirement ang nailabas hanggang noong ika-15 ng Hunyo, 2015. Mayroong 73,000 mga housing units mula sa 205,128 unit ng pabahay ang naipatayo.

Bumagal ang programa sa kakulangan ng sapat na lupaing paglilipatan ng mga biktima. Ito ang dahilan kaya't naninirahan pa rin ang mga mamamayan sa delikadong pook. Ang mga mamamayang ayaw umalis sa mga peligrosong pook ay hindi na isinasama sa mga benepisyaryo ng pabahay at paglilipatan.

Ipinaliwanag pa ni Prof. Briones na ang kalakhan ng pondo para sa Emergency Shelter Assistance ay ibinaba na sa mga pamahalaang local hanggang noong ika-30 ng Hunyo subalit hindi pa natatanggap ng mga nararapat makinabang.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>