|
||||||||
|
||
Ina at kapatid ni Executive Minister Eduardo Manalo, itiniwalag
ITINIWALAG ang ina at kapatid ni Executive Minister Eduardo Manalo sa Iglesia ni Cristo sanhi umano ng panggugulo.
Ayon kay Bienvenido Santiago, general evangelist ng Iglesia ni Cristo sa isang press briefing na masakit man sa kapatid na Eduardo Manalo ay ipinasya ng Iglesia ni Cristo na itiwalag ang mga lumilikha ng pagkakahiwa-hiwalay sa Iglesia. Ipinababatid sa lahat ng kapatid ang pasyang iyun ng Tagapamahalang Pangkalahatan.
Lumabas ang balitang ito sa iba't ibang himpilan ng radyo at mga pahayagan.
Sina Felix "Angel" Nathaniel Villanueva Manalo at ang kanyang ina na si Cristina "Tenny" Villanueva Manalo ay napatalsik dahilan sa kanilang video na inilabas sa YouTube na nagsasabing nanganganib ang kanilang buhay at isang ministro na ang dinukot.
Si "Tenny" ang balo ng yumaong Executive Minister Erano "Erdy" Manalo. Maliban sa dalawa, itiniwalag din sina Marco Erano Villanueva Manalo at Lolita Manalo Hemedez.
Idinagdag pa ni G. Santiago na ang kanilang pagkakaunawa sa lumabas sa YouTube ay nagnanais lamang nilang makakuha ng simpatya mula sa mga kasapi upang makuha nila ang gusto nilang pakikialam sa pamamahala sa Iglesia.
Sa lumabas na video, sinabi ni Felix na nananawagan sila sa madla dahil nanganganib ang kanilang buhay. Umaasa umano silang makatutulong ang mga makakapanood ng video.
Hiniling ni Gng. Tenny Manalo na tulungan silang makita si Angel at Lottie at mga kasama. Mayroon umanong mga ministro na dinukot na hanggang ngayo'y 'di pa nakikita. Sina Lottie Manalo-Hemedez at Aileen Manalo-Alcantara ay mga kapatid ni Eduardo.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |