|
||||||||
|
||
Balo ni Secretary Jesse Robredo, hindi handang kumandidato
HINDI handang kumandidato sa pagka bise presidente si Congresswoman Leni Robredo sa grupo ni Secretary Mar Roxas.
Sa isang panayam, sinabi ng balo ng tanyag na cabinet secretary na wala siyang karanasan at popularidad na tumakbo sa pagka-pangalawang panulo. Hindi pa man lamang siya kinakausap na samahan si Secretary Roxas sa pagkandidato nito bilang Liberal Party standard-bearer.
Sinabi ng isa sa pinakamaingay na lider ng Liberal Party, si Congressman Edgar Erice na may mga nagmukungkahing gawing vice presidential candidate si Mrs. Robredo.
Unang lumabas ang kanyang pangalan ng banggitin ni Senador Serge Osmena na potensyal na kasama ni Roxas kung walang patutunguhan ang pakikipag-usap kay Senador Grace Poe.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |