|
||||||||
|
||
Mga opisyal ng Pilipinas, dumating sa Indonesia para kay Mary Jane Veloso
DUMATING na sa Indonesia ang mga opisyal ng Department of Foreign Affairs at Department of Justice upang makipag-usap sa Pamahalaan ng Indonesia sa kalagayan ni Mary Jane Veloso. Magugunitang parurusahan ng kamatayan si Veloso matapos mapatunayang nagkasala ng pagdadala ng droga sa Indonesia.
Hindi natuloy ang kanyang pagharap sa firing squad sa kahilingan ng pamahalaan ng Pilipinas. Nabigyan ng reprieve ang drug mule.
Ayon kay Assistant Secretary Charles Jose, layunin ng mga opisyal ng bansa na bigyan ng update ang kanilang Indonesian counterparts sa progreso ng usapin ni Mary Jane Veloso.
Sa isang panayam sa telebisyon, sinabi ni G. Jose na mahalaga ang pakikipag-usap sa mga Indones
Inatasan ng hukuman noong Mayo na dakpin sina Maria Kristina Sergio at Julius Lacanilao, ang sinasabing nag-recruit kay Veloso, sa kasong illegal recruitment, human trafficking at estafa.
Hindi itinuloy ang paggagawad ng parusang kamatayan kay Veloso sa pagsulong ng mga usapin laban sa mga sinasabing recruiter. Umaasa ang mga abogado ni Veloso na makaliligtas siya sa kamatayan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |