Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga kinatawan ng higit sa 100 bansa, inaasahang dadalo sa 51st International Eucharistic Congress

(GMT+08:00) 2015-08-12 17:41:25       CRI

LIBU-LIBONG mga delegado ang inaasahang dadalo sa isang linggong pagtitipon sa Cebu City para sa ika-51 International Eucharistic Congress na magsisimula sa ika-24 ng Enero 2016. Magtatapos ito sa ika-31 ng buwang Enero.

Ayon kay Arsobispo Jose S. Palma, mararanasan ng mga banyagang delegado ang init ng pagtanggap ng mga Filipino kasabay na rin ng pagmamasid sa pananampalataya ng mga mamamayan at maging malalim na debosyon sa Sto. Nino.

Nakilala ang Pilipinas sa dalawang malaking pagtitipon ng mga Filipino, tulad ng naganap noong ika-17 ng Enero sa kapistahan ng Sto. Nino kasabay ng pagdalaw ni Pope Francis sa Tacloban City at ang naganap na World Youth Day noong 1995 na kinatampukan ni Pope John Paul II na ngayo'y isa ng santo.

MARAMING MGA DADALO SA PANDAIGDIGANG PAGTITIPON.  Ito ang sinabi ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle (may mikropono) sa press conference sa kanyang tanggapan hinggil sa 51st International Eucharistic Congress na idaraos sa Cebu City sa Enero 2016.  Nasa kaliwa niya si Cebu Archbishop Emeritus Reicardo J. Cardinal Vidal na nakalahok sa 33rd IEC na idinaos sa Maynila noong 1937 bilang first communicant.  Nasa kanan ni Cardinal TAgle si Archbishop Guiseppe Pinto, Papal Nuncio to the Philippines, sa kanan niya si Arsobispo Jose S. Palma ng Cebu at nasa pinakadulo si Pasig Bishop Mylo Hubert C. Vergara.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle, sinabi niyang makakaranas makipag-usap at magpalitan ng mga pananaw ang mga banyagang dadalo sa pagtitipon at mga nagmula sa iba't ibang parokyang kanilang dadalawin.

Mahalaga ang pakikipag-usap na ito sapagkat nakatuon sa pag-unawa sa kultura, pananampalataya at mahihirap.

Magkakaroon din ng satellite feed mula sa Vatican City ayon naman kay Bishop Mylo Hubert C. Vergara, chairman ng Episcopal Commission on Social Communications and Mass Media. Magaganap ito sa huling misa na idaraos sa ika-31 ng Enero.

Ipinaliwanag ni Bishop Vergara na live feed ito "on real time" kaya't ibayong paghahanda ito para sa okasyon.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>