|
||||||||
|
||
Barangay Chairman ng Dapitan City, pinugutan ng Abu Sayyaf
PINUGUTAN ng ng Abu Sayyaf ang chairman ng Barangayu Aliguay, Dapitan City na kanilang dinukot kasama ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard.
Ayon kay Lt. General Rustico Guerrero, pinuno ng Western Mindanao Command, natagpuan ang katawan ni Rodolfo Boligao sa Barangay Labah, Maimbung, Sulu kagabi. Mga taga-barangay Labah at Laum ang nag-ulat sa pulisya.
Sinabi ni Navy Commander Roy Vincente Trinidad, chief of staff ng Task Force ZamBaSulTa na nagsagawa sila ng search operation at natagpuan ang ulo ng biktima mga ika-sampu ng gabi.
Kasama ng ulo ang isang pirasong papel na may nakasulat na Rodolfo E. Buligao, Barangay Chairman ng Barangay Aliguay Island, Dapitan City.
Sinuri na ni Dr. Raden Ikbala ng Sulu Integrated Provincial Health Office na ang bangkay at ulo ay mula lamang sa iisang tao.
Inayos na ang labi at ipinadala ana sa Boligao family sa Dapitan City. Ayon kay Commander Trinidad, pinugutan ang barangay chairman dahil sa hindi nakatanggap ng ransom ang mga Abu Sayyaf.
Hindi pa mabatid ang kalagayan nina Seaman 2 Gringo Villaruz at Seaman 1 Rod Pagaling na dinukot din kasama ni Boligao noong ika-4 ng Mayo, 2015.
Dumadalaw ang dalawang tauhan ng Philippine Coast Guard kay Boligao ng dumating na lamang ang mga Abu Sayyaf at puersahan silang kinuha. Noong Hunyo, naglabas sila ng video sa Facebook na nagpakita kina Boligao, Villaluz at Pagaling na may piring at walang damit pang-itaas.
Nagmamakaawa silang tulungan samantalang isa sa mga armadong kalalakihan ang nagbantang pupugutan sila kung hindi magbabayad ng tig-iisang milyon sa tatlong nabihag.
Nagmakaawa ang barangay chairman sa mga politiko na bayaran ang ransom upang makalaya na siya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |