|
||||||||
|
||
Personal remittances lumago ng 5.8% noong Hunyo
TUMAAS na naman ang halaga ng ipinadalang salapi ng mga manggagawang Filipino noong nakalipas na Hunyo ng may 5.8% kung ihahambing sa halagang ipinadala noong Hunyo ng nakalipas na taon.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Amando Tetangco, umabot ang naipadalang salapi sa halagang US$ 2.4 bilyon. Ang personal remittances na naipadala ng mga OFW sa unang anim na buwan ng taon ay umabot sa US$ 13.4 bilyon at mayroong 5.3% na itinaas sa US$ 12.7 bilyon noong 2014.
Naging matatag ang padalang salapi ng mga manggagawang mula sa iba't ibang bansa na may mga kontratang isang taon at sea-based at land-based workers na mayroong short-term contracts.
Ang salaping idinaan sa mga bangko ay umabot sa US$ 2.2 bilyon noong Hunyo ng 2015 at mas mataas ng 6.1% mula sa antas noong isang taon. Kung pagsasamahin ang remittances mula noong Enero hanggang Hunyo, mas mataas ito ng 5.6% sapagkat may buong halaga itong US$ 12.1 bilyon. Noong 2014, umabot lamang ito sa US$ 11.4 bilyon. Ang cash remittances ng land-based workers na US$9.2 bilyon ay lumago ng 6.2% samantalang ang sea-based (US$ 2.8 bilyon) ay lumago ng 3.7%
Nagmula ang kalakhan ng salaping nakarating sa Pilipinas sa mga bansang Estados Unidos, Saudi Arabia, United Arab Emirates, United Kingdom, Singapore, Japan, Hong Kong at Canada.
Nangangailangan pa rin ng skilled workers sa ibang bansa. Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration, umabot sa 454,262 job orders na nagtaglay ng 37.8% para sa service, production at professional, technical at related workers sa Saudi Arabia, Kuwait, Qatar, Taiwan at United Arab Emirates.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |