|
||||||||
|
||
Melo
|
TRAHEDYA ang tumama sa mga abogado ng Pilipinas sa nakalipas na 19 na araw. Noong ika-13 ng Agosto, dalawang abogado ang naging biktima ng pananambang sa Mandaue City. Kinilala ang mga biktimang sina Atty. Amelie Ocañada, 35 taong gulang na nasawi samantalang ikinasugat naman ni Atty. Briccio Joseph Boholst. Si Atty. Boholst ang naging pangulo ng Integrated Bar of the Philippines sa Cebu city Chapter. Iisang law office ang kanilang pinagmulan.
Noong Miyerkoles, ikalawang araw sa buwan ng Setyembre, binaril si Atty. Jude Ulep Alaba, samantalang pababa sa kanyang sasakyan. Nasugatan din ang kanyang maybahay. Ang nasawing abogado ay isang hukom sa Regional Trial Court Branch 91 ng Baler, Aurora.
Nagngangalit ang mga kasapi ng IBP sa sinapit ng kanilang mga kasama.
Tiniyak naman ng samahan sa mga pamilya nina Atty. Alegre at Alaba na susuportahan nila ang pagsisiyasat ng mga autoridad upang madala ang mga salarin sa paglililtis.
Ikinalungkot ng IBP na hindi naipatutupad ng pamahalaan ang kapayapaan at hindi rin naipatutupad ang parusa sa mga kriminal
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |