|
||||||||
|
||
Pinakamababang inflation naitala
SA pagbagsak ng price pressures sa pagkain, kuryente at petrolyo, naitala ang pinakamababang inflation sa 0.6% noong Agosto, 2015. Ito ang ibinalita ng National Economic and Development Authority.
Ibinalita ng Philippine Statistics Authority na naitala ang pinakamababang headline inflation at umabot sa 0.6 % noong Agosto mula sa 0.8 % noong Hulyo at 4.9% naman noong Agosto ng 2014.
Sinabi ni Secretary Arsenio M. Balisacan, ang mababang inflation sa unang walong buwan ng 2015 na suportado ng domestic demand, particular ang household consumption at magpapatuloy ito sa nalalabing bahagi ng taon.
Ang August 2015 inflation ang nagdulot ng year-to-date headline inflation sa 1.7% na mas mababa sa 2.0 hanggang 4.0 percent tulad ng itinalaga ng pamahalaan sa taong 2015. Ang inflation na 1.7% ay ayon sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipinas na 0.2 hanggang 1.0% para sa buwan ng Agosto at sa market expectation na 0.6% para sa takdang panahon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |