NANGAKO sina Senador Grace Poe at Francis Escudero na pamumunuan nila ang pamahalaang may puso sa oras na sila'y mahalal.
Sa kanyang pagpapahayag ng pagtakbo sa pagka-pangalawang pangulo, sinabi ni Senador Escudero na tinatanggap nila ang mahalagang papel sa administrasyon ni Senador Poe sa oras na mahalal sila sa darating na pambansang eleksyon sa Mayo 2016.
Magtatatag sila ng isang "Gobyernong may Puso." Pagtutunan nila ng pansin ang mahihirap, mga manggagawa at overseas Filipino workers at iba pang kabilang sa lipunang Filipino.
1 2 3 4 5