Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pamahalaang May Puso, pangako nina Senador Poe at Escudero

(GMT+08:00) 2015-09-17 17:23:05       CRI

Task Force, binuo sa Surigao del Sur

ISANG pinagsanib na task force na pinangalanang "Tejero" ang binuo sa isang pulong sa tanggapan ni Surigao del Sur Governor Johnny T. Pimentel at dinaluhan nina Major General Oscar T. Lactao ng 4th Infantry Division at SSupt. Gregorio R. Pimentel ang deputy regional director for operations ng Police Regional Office 13 kasama na si SSupt. Narciso Verdadero, ang Surigao del Sur Provincial Police director.

Mamadaliin ng task force ang pagdakip sa mga pumaslang sa mga Lumad sa Barangay Diatagon, Lianga, Surigao del Sur.

Nagpatawag ng executive session si Governor Pimentel upang pag-usapan ang mga gagawin ng task force upang madakip si Bobby Tejero at mga kasama na may kagagawan ng pagpaslang noong unang araw ng Setyembre. May kautusan din ang gobernador na disarmahan ang iba pang mga grupo sa kanyang lalawigan.

Magmumula sa Surigao del Sur Provincial Police Office at 402nd Infantry Brigade ng Philipine Army ang mga kalahok sa task force.

Noong Lunes, ikapito sa buwan ng Setyembre, ipinagsakdal ang mga suspect na pinangunahan ni Bobby Tejero sa panununog sa isang kooperatiba at pagpaslang sa tatlo katao sa Barangay Diatagon. Kinasuhan sila ng grave coercion, multiple murder, arson, robbery at grave threats.

Ayon kay CSupt. Vert T. Chavez, regional director ng Police Regional Office 13, mahalaga ang pagbuo ng task force upang matugunan ang malagim na mga pangyayari sa Lianga.

Nangako naman si Major General Lactao na susuportahan nila ang PNO sa pagpapatupad ng batas upang madali ang pagdakip sa mga may kagagawan ng krimen. Ang kanilang pagtungo sa Lianga ay upang mamagitan sa anumang kaguluhan sa tinaguriang "tribal conflict situation."

1 2 3 4 5
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>