|
||||||||
|
||
sw20150929.m4a
|
Mga giliw na tagasubaybay, nakarinig na ba kayo ng Beijing Opera? Alam nyo ba kung ano ang "Beijing Opera-Song?"
Ang ibig-sabihin, ng "Beijing Opera-Song," ay pinagsanib na pop music at tradisyonal na Beijing Opera. Ito ay awit at hindi totoong opera, pero may melody na parang opera. Ang tradisyonal na opera ay sobrang mahaba, sa kabuuan, tumatagal ito nang ilang oras. Pero, ang "Beijing Opera-Song" ay mas maikli. Puwedeng ituring ang "Beijing Opera-Song" bilang "simple version" ng Beijing Opera. Kaya, ginagawa ito bilang simula ng pag-aaral ng totoong opera, lalu-lalo na ng maraming dayuhang nag-aaral ng Chinese culture. At ang "Song of Opera Mask" ay isa sa mga pinakapopular na "Beijing Opera-Song" na itinuturo sa halos lahat ng mga Confucius Institute.
Ang lyrics ng awit na ito ay hinggil sa maskara. Kapag nanood ka ng Beijing opera, makikita ang make-up sa mukha ng mga performers. Makulay at exaggerated. Ang iba't ibang kulay sa mukha ng mga performers ay may nakatakdang kahulugan at ipinakikita nito ang nagkakaibang characteristics at destiny ng mga karakter. Halimbawa, ang kulay pula ay nangangahulugang katapatan at katapangan. Ang kulay itim ay nagpapakita ng kalakasan at katalinuhan. Ang kulay ilaw at puti naman ay sumisimbolo sa kasamaan at pagkatuso. Ang kulay ginto at pilak ay sumasagisag sa misteryo, para sa mga diyos at halimaw.
Sa pamamagitan ng "Beijing Opera-Song," hindi lamang maririnig ang melody ng opera, kundi matututunan din ang kultura mula sa lyrics. Ang musician na si Yao Ming ang ama ng "Beijing Opera-Song." Kapangalan niya ang sikat na NBA player na si Yao Ming, pero, ang musician ay mas matanda. Isinilang siya noong 1948 at siya ay 67 gulang na sa ngayon. Nang mabanggit ang katukayo niyang basketball star, sinabi ng musician na, noong bata pa siya, may talento rin siya sa basketball, pero, inihinto niya ang practice ng basketball dahil dapat mag-aral ng piano, at sinabi ng kanyang guro na ang paglalaro ng basketball ay posibleng makasira sa kanyang mga daliri. Aniya "I gave up basketball for my music dream, if not, maybe I would became a basketball player too."
Noong 1990's, nilikha ni Yao ang bagong estilo ng pagkanta, ito ang "Beijing Opera-Song." Bukod sa "Song of Opera Mask," lumikha rin siya ng ilan pang kilalang awit. Halimbawa, ang "Qianmen Qingsi Dawancha," o "I miss the Big Bowl of Tea at Qianmen." Ito ay naglalarawan ng isang tradisyonal na custom sa sinaunang Beijing.
Ang naririnig ninyong awit ay "Qianmen Qingsi Dawancha," o "I miss the Big Bowl of Tea at Qianmen." Ang "big bowl of tea" ay isang tradisyonal na paraan ng pag-inom ng tsaa sa Beijing. Hindi tasa ang ginagamit nila noon kundi, malaking sisidlan, kaya big bowl. Hanggang ngayon, puwede pa ring makabili ng "a big bowl of tea" sa paligid ng Qianmen sa Beijing.
Ang karamihan ng mga "Beijing Opera-Song" ay hinggil sa kultura ng Beijing, pero, si Yao Ming ay hindi isang taga-Beijing. Isinilang siya sa Probinsyang Liaoning sa dakong hilagang silangan ng Tsina. Noong bata siya, madalas niyang marinig ang Beijing Opera dahil ang kanyang tiyo ay isang Beijing Opera fan, kaya nagustuhan ni Yao ang opera. Kahit maraming pop song sa Tsina na may elelmento ng Beijing Opera, ang "Beijing Opera-Song" na nilikha ni Yao ay mas malapit sa opera, at ilan sa kanyang mga "Beijing Opera-Song" ay kinakanta ng mga professional opera singer sa paraan ng pagkanta ng opera, at hindi pop song.
salin:wle
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |