|
||||||||
|
||
sw20151027.m4a
|
Ngayong gabi, isang pop idol ang ibibida namin sa inyo: siya ay si Han Geng. Ngayon taon ay ang 10th anniversary n'ya sa showbiz, pero, kalian lamang, sinabi n'ya sa kanyang social media page na lilisanin na niya ang sirkulo ng pop music. Bilang paggunita sa kanyang ika-10 anibersaryo, ipinalabas ang isang documentary film at kanyang ikatlo at pinakahuling album "San Geng."
Kahit siya ay Chinese, nagsimula sa pagkanta si Han Geng sa Timog Korea. Noong 2005, siya ay naging myembro ng popular music group na Super Junior, at kasabay nito, pumasok na rin siya sa showbiz. Noong panahon iyan, sobrang sikat ang Super Junior sa buong Asya, lalung-lalo na sa Chinese market. Si Han ay may maraming batang fans sa Tsina, at dahil dito ipinasiya ng SM Entertainment Company, na bumuo ng isa pang grupo sa ilalim ng Super Junior, ang SJ-M. Ang mga miyembro nito ay mula sa Super Junior at si Han Geng ay naging lead singer sa SJ-M, at ang karaniwan sa mga awit ng SJ-M ay nasa Wikang Tsino. Ang grupong ito ay para sa Chinese market.
Si Han sa loob ng Super Junior at SJ-M sa Timog Korea
Si Han Geng ay mula sa lahing Hezhe, isang pambansang minoriya sa dakong hilagang silangan ng Tsina. Noong 1996, sa edad na 12 gulang, nakapasok si Han sa Central University for Nationalities para mag-aral ng folk dance, at bukod dito, nag-aral din siya ng ballet at martial art. Noong 2002, pagkatapos pag-aralan ang folk dance ng 56 na pambansang minoriya ng Tsina, siya ay pinili bilang lead dancer ng 9 na sayaw sa Graduation Ceremony.
Noong 2001, kahit hindi pa natapos ang kolehyo, lumahok si Han sa talent selection "H.O.T. China Audition Casting" ng SM Entertainment Company ng Timog Korea, at pinili siya mula sa 3000 contestant. Dahil dito, si Han ay naging isang popular singer, pero, noong 2009, ipinasiya ni Han na lisanin ang SM at umuwi. Pagkaraang bumalik sa Tsina, lumabas si Han sa pelikula noong 2010. Nagustuhan naman ng maraming tao ang kanyang pag-arte sa unang palikula. Noong 2012, inanyayahan si Han Geng na lumahok sa pelikulang "Transformers 4," at kinanta rin niya ang theme song ng pelikula. Ito ang kauna-unahang pagkakataong ginawa sa Wikang Tsino ang theme song ng isang Hollywood film.
Si Han sa pelikulang "Transformers 4"
Noong 2014, nagtagumpay ang pelikulang "Ex-Files" ni Han Geng. Siya ay male leading role role rito. Pagkatapos ng ipalabas ang pelikula, nagkaroon ng balita na nagkaroon ng affair di-umano si Han at ang female leading role na si Anna Yao, pero, ito ay hindi totoo. Hanggang sa kasalukuyan, wala pang ipinapakilalang GF si Han.
Si Han sa "Ex-Files"
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |