|
||||||||
|
||
Roman Tam
|
Noong 1976, inanyayahan siya ng isang TV station ng Hongkong na kantahain ang "A Bright Future," theme song ng isang kilalang TV series noong panahong iyon. Dahil dito, umangat sa unang puwesto sa billboard ang "A Bright Future." At tumagal ito rito ng mahigit 24 na linggo. Ito ang naging rekord ng kasaysayan. Bukod dito, nakuha ni Tam ang maraming award at karangalan dahil dito.
Noong 1978, naging mas kilala si Tam sa buong Hongkong at mga overseas Chinese dahil sa theme song ng "Xiao Li Fei Dao," isa pang TV series. Ang kantang ito ay umakyat sa unang puwesto ng billboard, at nanatili roon ng 15 linggo.
Kasabay ng pagiging kilala ni Tam, ang Wuxia TV series ay naging kilala sa Hongkong. Kinanta ni Tam ang mga theme song ng maraming Wuxia TV series at marami sa mga ito ang naging klasikong akda.
Noong 1980's, pumasok sa mainland Tsina ang mga TV series at film mula sa Hongkong. Noong panahong iyon, ang Wuxia TV series at fmga pelikula ay nakatawag ng malaking pansin sa mainland, lalong lalo na ang TV series na pinamagatang "Fearless" noong 1983 at "Kung Fu Warlords" noong 1985. Si Tam ang umawit sa mga theme song ng mga ito. Kaya, mabilis ding sumikat sa mainland Tsina si Tam.
Mula noon, pumatok si Tam sa mainland. Siya ang unang mang-aawit na taga-Hongkong na naanyayahang magtanghal sa mailand. Noong 1985, kumanta siya sa CCTV evening gala at naging unang mang-aawit na kumanta roon ng Cantonese song.
Bukod sa pagkanta, binigyan si Tam ay nagbigay rin ng malaking ambag sa sirkulo ng musika ng Hongkong. Mula sa Hapon, dinala niya sa Hongkong ang mga bagong porma ng kooperasyon sa pamamagitan ng stars at agent. Hanggang ngayon, ginagamit pa ang pormang ito. Ang "Below the Lion Rock Series" ay tinatawag na "Kanta ng Hongkong." Ang Lion Rock Series ay benchmark ng Hongkong at ipinakikita nito ang diwa ng mga taga-Hongkong.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |