|
||||||||
|
||
Mga proyektong tinustusan ng Overseas Development Assistance, mas masigla
HIGIT na gumanda ang mga proyektong tinustusan ng Official Development Assistance noong nakalipas na taon at kinakitaan ng mas magandang kalakaran sa resource at program management.
Ito ang ibinalita ng National Economic Development Authority sa isang pahayag ngayon. Sa pagbabalik-aral na tinaguriang NEDA ODA Portfolio Review para sa taong 2014 ang nagbalitang mayroong 76 na pautang at 449 grants na nagkakahalaga ng US$14.37 bilyon.
Ang pagsusuri ang nagsabing ang overall disbursement level o halaga ng ODA fund allotment ay nagamit ng ODA funded projects and programs ay nadagdagan ng US$ 1.77 bilyon sa 2014 mula sa US$ 856 milyon noong 2013. Naganap ito sa pagkakaroon ng mas mataas na disbursement program loans na nagkakahalaga ng US$ 1.28 na binubuo ng 73% ng pangkalahatang disbursement.
Tumaas din ang disbursement rate mula sa 60% noong 2013 at natamo ang 76% noong 2014. Nangunguna pa rin ang Estados Unidos sa paglalaan ng US$ 1.14 bilyon at nagkaroon ng 36%, United Nations System (US$ 608 milyon o 19%) at Australia na naglaan ng US$ 587 milyon o 18%.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |