|
||||||||
|
||
51st International Eucharistic Congress, pinag-usapan na
PINAG-USAPAN kahapon sa Holy See Press Office sa Vatican City ang detalyes ng 51st International Eucharistic Congress na magaganap sa Cebu City mula ika-24 hanggang ika-31 ng Enero na may temang "Christ in you, our Hope of glory; the Eucharist, source and goal of mission."
Naging tagapagsalita sina Arsobispo Jose S. Palma ng Cebu, Arsobispo Piero Marini ng Italya at pangulo ng Committee for the International Eucharistic Congresses at Fr. Vittore Boccardi na kasapi rin ng komite.
Ipinaliwanag ni Arsobispo Palma na mahalaga ang pagkakapili sa Asia at sa Pilipinas para sa International Eucharistic Congress sapagkat sa Asia natatagpuan ang isa sa pinagmumulan ng masiglang ekonomiya. Nagkataon nga lamang na nangangailangan ng pagmimisyon. Ang mga Katoliko ay kabilang sa mga minorya sa Asia, dagdag pa ng arsobispo.
Inaasahang magkakaroon ng may 20 kardinal, 50 mga obispo mula sa iba't ibang bahagi ng daigdig at may 100 mga obispong kabilang sa Catholic Bishops Conference of the Philippines na magpupulong sa Cebu sa darating na Enero. Umabot na rin sa higit sa 8,000 mga delegado mula sa 57 bansa ang nagpatala. Mayroon na ring higit sa 600 mga pamilyang tatanggap ng mga panauhin sa kanilang mga tahanan.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |