Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Special Report (Part III) Tacloban at mga kalapit-pook, unti-unting nakakabangon

(GMT+08:00) 2015-11-02 18:53:28       CRI

UMABOT na sa halos P 1.5 bilyon ang nagamit na pondo ng Catholic Relief Services upang matulungan ang mga biktima ni "Yolanda" noong nakalipas na Nobyembre 2013.

Sa isang panayam, sinabi ni G. Joseph Curry, country representative ng Catholic Relief Services na tumutulong sila sa Lungsod ng Tacloban at mga bayan ng Burauen, Palo at Tanauan sa Leyte at may pitong bayan sa Eastern Samar.

Nakatayo na ang mas matitibay na tahanan at sumisigla na ang mga kapitbahayan. Ang problema ay ang katagalang makabawi ng mga napinslang niyog sa Eastern Visayas na nakaaapekto sa kabuhayan ng mga mamamayan. Iminumungkahi na nila na magtanim na muna ng ibang pananim ang mga magsasaka upang kumita ng maayos.

Sa kanilang pagsusuri, ang kanilang mga natulungan ay nakabalik na sa maayos na kabuhayan subalit hindi ito masasabi sa ibang mga komunidad.

Nakapaglaan na sila ng may 20,000 mga tahanan at may 10,000 tahanan ang nalagyan ng mga palikuran. May 8,000 katao ang nabigyan ng livelihood packages tulad na rin ng mga nasanay sa pagkakakitaan sa larangan ng mga hanapbuhay, pagsasaka at pangingisda.

Magtatagal pa ang kanilang proyekto sa Eastern Samar at Leyte ng dalawa hanggang tatlong taon. Kahit pa umabot na sa 70% ng P1.5 bilyong budget ang kanilang nagamit, ang nalalabing 30% ay nakalaan na para sa mga programa sa susunod na dalawa hanggang tatlong taon.

Wala umanong problema sa mga pamahalaang lokal at ang mga kasamang non-government organizations ay nakikipagtulungan. Ang relasyon sa pamahalaang pambansa ay hinggil sa pamantayan ng relief at recovery programs.

Pinasalamatan niya ang mga obispong kabilang sa US Conference of Catholic Bishops, ang USAID, ang CAFOD, ang Catholic community sa United Kingdom, ang Caritas Australia at iba pa.

Naniniwala si G. Curry na maraming natutuhan sa bagyong "Yolanda" na pinakinabangan na sa pagdaan ng bagyong "Lando" nagkataon lamang na marami pang gagawin ang lahat ng sektor.

Ipinaliwanag ni G. Curry na bagama't handa ang pamahalaang magpakain, mas maganda kung maitatalaga na sa iba't ibang rehiyon ang housing materials upang makapagtayo kaagad ng matitirhan ang mga magiging biktima ng bagyo.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>