|
||||||||
|
||
National Maritime Polytechnic, handa na para sa mga magsasanay
NAGAGAMIT na ang state-of-the-art na full mission simulator upang makita ang kahandaan ng mga kapitan ng barkong mangangailangan pa ng ibayong pagsasanay.
HANDA NA ANG NATIONAL MARITME POLYTECHNIC. Ito ang sinabi ni Executive Director Manuel C. Roldan sa pagtatapos ng inaayos na mga pasilidad sa sanayan ng mga magdaragat na na sa ilalim ng Department of Labor and Employment. Idinagdag pa niya na umabot na sa 300,000 ang nasanay ng NMP mula ng buksan ito sa mga nais maging seafarers noong 1980s. (Melo M. Acuna)
Ito ang sinabi ni Executive Director Manuel C. Roldan sa isang panayam sa National Maritime Polytechnic sa Tacloban City.
Sinabi niyang ang NMP ang nag-iisang pag-aari ng pamahalaang training institution para sa mga magdaragat. Ang mga universidad at dalubhasaang nagbibigay ng baccalaureate degree ay nasasakalaw ng Commission on Higher Education at ang NMP ay mayroong makikipag-ugnayan sa Maritime Industry Authority o MARINA.
Ang NMP ay nagbibigay ng kaukulang pagsasanay sa mga magdaragat noong mga unang taon ng 1980s. Itinatag sa Tacloban City ang NMP sapagkat nasa halos kalagitnaan ito ng kapuluan. Kung noon ay nakatuon lamang sa safety of life and property at sea, ngayon ay mayroong iba't ibang kategorya ng pagsasanay .
Ginagawa pa ng mga tauhan ng JICA o Japan International Cooperation Agency ang kanilang engine simulator, upang higit na masanay ang kanilang mga mag-aaral.
ANG MAKABAGONG KAGAMITAN NG NMP. Ito ang full mission simulator na ginagamit ng mga kapitan ng barko sa kanilang ibayong pagsasanay. Nagkakahalaga ito ng halos P 100 milyon. Malaking investment ito kung pribadong sektor ang magtatayo. Mayroon din silang engine room simulator na inaayos pa ng JICA matapos tamaan ng bagyong "Yolanda" magdadalawang taon na ang nakalilipas. (Melo M. Acuna)
Halos P 100 milyon ang halaga ng kanilang mga simulator na ginagamit na maihahalintulad sa mga nagaganap sa barko.
Sa ngayon ay mayroon silang 140 mga mag-aaral na sinasanay sa iba't ibang larangan ayon sa itinatadhana ng International Maritime Organization. Ang pagsasanay ng sampung araw ay nagkakahalaga ng P 2,300 kasama na ang practicum.
Umabot na umano sa 300,000 ang mga nakapagtapos sa National Maritime Polytechnic sa paglipas ng mga taon.
Na sa tabing-dagat ang NMP kaya't madali para sa mga mag-aaral na makapagsanay tulad ng firefighting. Sa kanilang pag-aaral mula 2007 hanggang 2012, 82% ng kanilang mga nasanay ay nakasakay na ng barko ay mayroong hanapbuhay. Ito lamang umano ang matatanggap ng industriya sa ngayon.
Layunin ng mga mambabatas sa pangunguna ni Angkla Party List Congressman Jesus Manalo na gawing nangungunang sanayan ang NMP sa buong bansa. Maglalagay din sila ng training center sa Tanza, Cavite sa 3.5 ektaryang lupain upang mapaglingkuran ang iba pang mga mag-aaral.
Si Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz ang chairman of the board at kasama ang mga kinatawan ng NMP, AMOSUP, Marina, Commission on Higher Education, samahan ng mga may barko at training institutions sa bansa bilang members of the board ng National Maritime Polytechnic.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |