|
||||||||
|
||
HANDA na ang Pilipinas na salubungin ang mga pinuno ng iba't ibang APEC members sa darating na linggo para sa makasaysayang pagtitipon sa Maynila.
Sa kauna-unahang briefing sa International Media Center, sinabi ni Ambassador Marciano A. Paynor, Jr., Director General ng APEC 2015 National Organizing Council, na titiyakin ng pamahalaang Pilipino ang pagiging maayos ng lahat.
Handa na ang Pilipinas para sa mga pinuno ng iba't ibansa kasunod ng pagdating ng karamihan ng senior officials at nagsisimula na ang pagtitipon ng Senior Officials sa Marriott Hotel sa Pasay City, aniya pa.
Nagpasalamat din si Ambassador Paynor sa pakikiisa ng mga pamahalaang lokal sa Cebu, Iloilo, Bacolod, Tagaytay, Boracay, Clark at maging sa Maynila.
Sa katanungan kung anong mga panganib ang nakikita sa pagdating ng mga panauhin, sinabi ni Ambassador Paynor na pinaghandaan at iplinano na ito nang maigi na sa nakalipas na panahon. Sinuri na aniya kung ano ang mga posibleng panganib na maaaring kaharapain ng mga panauhin at wala namang nakikitang malaking suliranin sa seguridad.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |