|
||||||||
|
||
Basic Christian Communities, lumalago
NANINIWALA si Cotabato Archbishop Orlando B. Cardinal Quevedo na malaki ang nagawa ng mga obispo noong dekada 70 sa pagpapalakas ng simbahan sa Mindanao sa papamagitan ng Gagmay na Kristiyanong Katilingban o Basic Christian Communities.
Sa isang panayam sinabi ng Cardinal, na malayo ang pagkakaiba ng mga BCC ng Pilipinas sa mga komunidad sa Timog America. Ang mga komunidad sa South America ay nabuo ng walang kinatawan ng simbahan sa katauhan ng mga pari at obispo.
Dumating pa umano ang pagkakataon na nagkaroon ng kompetisyon ang simbahan sa mga komunidad. Sa Pilipinas ang mga komunidad na ito ay pinangangasiwaan ng mga pari at obispo.
Nagunita ng cardinal na noong saklaw ang buong bansa ng Batas Militar, sa oras na walang pari o obispo sa BCCs, pinagdududahan itong mula sa mga makakaliwang grupo.
Mayroon umanong pagkakataong naimpluwensyahan ng mga guerilyang New People's Army ang mga BCC subalit hindi kasama sa talaan ng mga nasa Simbahan ang mga samahang ito.
Ang BCC ay isang paraan ng pagbabago sa Simbahan kaya't higit na malapit ang relasyon ng mga pari at mga mamamayan sa bawat komunidad.
Sa paglipas ng panahon, nahaharap ang Simbahan sa mga problemang dulot ng kahirapan, kalakaran ng politika at kawalan ng tamang paglilingkod ng mga nasa pamahalaan.
Lumakas ang BCC sa Mindanao sa mga nagawa ng mga paring kabilang sa kongregasyon ng Maryknoll sa Davao City at ng mga obispong tulad nina Arsobispo Carmelo Morelos, Jesuit Bishop, Francis Claver at Jesus Varela ng Ozamiz.
Tagapag-ulat: Melo
Tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Rhio
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |