|
||||||||
|
||
Mga maliliit na kalakal, mahalaga para sa bansa
SINABI ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III na kahit pa walang natatamong mga pangakong panghahawakan sa Asia Pacific Economic Cooperation, malayang nakakapag-isip ang iba't ibang pinuno ng bansa ng mga paraan upang higit na umunlad ang kani-kanilang mga bayan at mayroong magandang mga talakayan.
Maaaring nagkakamali ang mga naniniwalang isang maling sistema ito subalit ipinaliwanag niyang sa pagsasama-sama ng mga pinuno ng APEC economies, nagkakaisa ang lahat na bigyang halaga ang katatagan, seguridad at kaunlaran ng mga mamamayan. Nagsasama-sama, nagtutulungan at marami nang nagawa ang APEC sa bagay na ito.
Sa kanyang talumpati sa harap ng APEC Small-Medium Enterprises Summit sa Green Sun Hotel, sinabi ni Pangulong Aquino na hindi magaganap ang anumang kaunlaran kung wala ang tulong ng pribadong sektor na siyang naging dahilan ng SME summit.
Hindi magkakaroon ng pagbabago kung walang pagtutulungan ng iba't ibang sektor at ng mga mangangalakal mula sa small and medium enterprises.
Kung may gagastusin ang pamahalaan sa potensyal ng SMEs, kailangan ding tustusan ang ilan pang mahahalagang programa. Ibinalita pa ni Pangulong Aquino na noong 2013, ang micro, small at medium enterprises (MSMEs) ang bumuo ng 99% ng lahat ng kalakal sa Pilipinas at nagdulot ng trabaho sa may 63.7 % ng buong manggagawa.
Ito umano ang dahilan kaya't hindi nagmaliw ang suporta ng pamahalaan para sa sektor. Mas maraming Pilipino ang magkakaroon ng hanapbuhay.
Gumastos ang pamahalaan sa programang Access of Small Enterprises to Sound Lending Opportunities (ASENSO), nagkaroon ng P153.1 bilyon sa may 174,000 kalakal mula 2010 hanggang 2014. Nakatulong din ang Magna Carta for MSMEs sa larangan ng microfinance. Sa pag-uutos ng batas, kailangang mag-laan ng 10% ng kanilang pautang upang ipautang sa MSMEs, at mayroon nang P427 bilyon ang naipahiram sa mga mangangalakal na Filipino hanggang Hunyo ng 2015.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |