Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga protesta sasalubong sa APEC 2016

(GMT+08:00) 2015-11-06 18:15:24       CRI

MGA PROTESTA INIHAHANDA LABAN SA APEC.  Ipinaliwanag ni Teddy Casino, tagapagsalita ng #PHFightAPEC ang kanilang mga inihahandang pagkilos upang ipadama sa daigdig ang kanilang pagtutol sa mga kakaibang programang hindi nagdadala ng kaunlaran sa mga mamamayan.  (Melo M. Acuna)

IBA'T IBANG progresibong grupo ang magsasagawa ng iba't ibang pagkilos upang iparating sa mga panauhing banyaga at sa Pamahalaan ng Pilipinas na hindi nararapat itinatago ang tunay na larawan ng bansa na kinatatagpuan ng kahirapan at mga paglabag sa Karapatang Pangtao.

Sa isang press conference sa Liwasang Bonifacio, sinabi ni Teddy Casino, tagapagsalita ng People's Campaign Against APEC and Imperialist Globalization, iba't ibang grupo ng mga mamamayan ang magsasagawa ng sunod-sunod na pagpupulong, pagpoprotesta at iba pang okasyon sa Maynila bilang pangtapat sa tauhang pagtitipon ng economic ministers, business at world leaders.

KINONDENA NG GRUPONG BAYAN AT MGA KASAMA ANG PAGDARAOS NG APEC MEETING SA PILIPINAS.  Sasabayan din ng mga militanteng grupo ng pandaigdigang pagpupulong ang APEC ngayong Nobyembre.  May mga pulo ang mga migrante, mga kababaihan at iba't ibang sektor ng lipunan.  (Melo M. Acuna)

May limang international gatherings laban sa globalization ang isasabay sa mga pagkilos na may kinalaman sa APEC mula sa Lunes, ika-siyam hanggang ika-20 ng Nobyembre.

Kabilang dito ang 5th International Assembly of the International League of People's Struggles mula ika-14 hanggang ika-16 ng Nobyembre, ang Peasant Anti-Imperialist Solidarity Conference sa ika-13 ng Nobyembre, ang Global Assembly of the International Migrants Alliance mula ika-12 hanggang ika-13 ng Nobyembre, ang General Assembly of International Women's Alliance sa Miyerkoles, ika-11 ng Nobyembre at ang International Festival for People's Rights and Struggles sa ika-17 ng Nobyembre.

Sa darating na Huwebes, ika-12 ng Nobyembre, magkakaroon ng protest caravan at rallies bilang protesta sa mga nagaganap sa karagatan mula sa Konsulado General ng Tsina sa Makati, Japanese Embassy sa Pasay City at sa Embahada ng Estados Unidos sa Roxas Blvd. sa Maynila.

1 2 3 4
May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>