|
||||||||
|
||
BaAng kantang ito ay nagkukuwento tungkol sa isang tao na nakaranas ng maraming kahirapan para matupad ang kanyang inisyal na pangarap. Kaya mabilis ang kanta at encouraging ang lyrics.
Ang tagumpay ni Fan Fan ay may kaugnayan sa kanyang sariling pangarap at kahilingan mula sa kanyang kompanya.
Ang kantang "Original Dream" ay hango mula sa theme song ng isang TV series hinggil sa isang doktor na nagtatrabaho sa isang malungkot na isla. Nang i-record niya ang kanta sa studio, wala siyang feeling dito, at hindi maganda ang resulta. Hanggang isang araw ay naglakbay siya. Habang tinitingnan niya ang lupa mula sa bintana ng eroplano, biglang natamo niya ang tamang feeling. Nang bumalik sa recording studio, kinanta niya ang final na version ng kanta.
Mahilig na si Fan Fan sa musika mula noong bata pa siya. Ipinanganak siya sa Amerika, at nag-aral sa Harvard University hanggang sophomore year. Pagkatapos nito, tumigil siya sa pag-aaral at bumalik sa Taiwan para mag-concentrate sa musika. Noong 2000, ikalawang taon ng pagbalik niya sa Taiwan, inilabas niya ang unang album na pinamagatang "Daigdig ni Fan Fan." Pakinggan natin ang isang kanta mula sa album na ito. Ito ay pinamagatang "Can't Reach."
Ang awiting ito ay isang love song na kinompose ni Zhang Hongliang, isang kilalang composer ng Tsina. Sa katotohanan, bago lumabas ang album, kilala na si Fan Fan dahil gumawa siya ng mga MV, advertisement, at iba pa. Maganda siya at matalino pa. Ayon kay Zhang, nang unang makita niya si Fan Fan, alam na niyang malaki ang potensyal nito. Kaya, kasama ng 2 pang kilalang musician, 12 buwang ginawa ni Zhang ang album na ito para kay Fan Fan. Ang lyrics ng ilang kanta ay inilapat mismo ni Fan Fan.
Dahil sa talento at sipag, mula noon, bawat taon, naglalabas ng album si Fan Fan. Para maging isang mahusay na artista, mahigpit si Fan Fan sa sarili. Mayroon siyang kasunduan sa kanyang boss, at ito ang "apat na hindi puwede."
Ayon sa kasunduan, hindi siya puwedeng mag-date kung hindi pa natatapos ang paglikha ng magandang kanta, hindi siya puwedeng mag-host kung hindi pa tapos ang kanyang recording ng kanta, hindi niya puwedeng tapusin ang kasunduan kung hindi pa maganda ang album, at hindi siya puwedeng magpakasal kung hindi pa nakukuha ang golden record award.
Siyempre, nagpakasal si Fan Fan at nagkaroon ng kambal na anak. Samantala, nakuha rin niya ang maraming award. Kabilang dito ang Golden Melody sa Beijing Pop Music Awards at Annual at Best Song sa China Music Award.
Tungkol sa pag-ibig ni Fan Fan, inilarawan ito sa kanyang kanta na para sa asawa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |